Wednesday, May 18, 2011

Paaralang puro Hagdan

Ang buhay ko'y nagsimulang gumulo, mawindang at maging makulay noong unang pagkakataong ako'y tumuntong sa Liceo di San Lorenzo. Ito'y isang malaking pagkakamali ngunit kahit kailan ma'y hindi ko pagsisisihan. Baliktarin man ang mundo, pagbuhulin man ang tadhana dito ko pa rin  nanaisin mag-aral. Ang eskwelahang ito ang pinaka kakaiba sa lahat ng pinasukan kong paaralan, dahil sa paaralang iyon lamang ako nag-aral, nag-aaral, at mag-aaral :). Kakilakilabot ang aking mga naging araw ngayong ako'y nasa sekondarya na. Ngunit kasabay nito ang mga masasaya at kay sarap uliting mga alaala.

                Ika nga ng aming paaralan, Your future begins here. Islogan ng paaralan na tumatatak sa mga isipan ng magulang, estudyante, kapitbahay, kaibigan at kung kanikanino pa. Islogan ng bayan ika ng iba kong nakakasalamuha. Ngunit hindi naman nahuhuli ang aming paaralan sa islogan nito. Kailan man ay hinding hindi nahuli, nahuhuli, at mahuhuli ito sa kalidad ng pagtuturo. Hindi rin ito nahuhuli sa mga paligsahan pagdating sa utak at sa pampaligsahan.

                At dahil diyan, ang buhay ng bawat estudyante ay nagsimulang mawindang ng sukdulan. J Hindi ka ata tataba kung ika’y nag-aaral dito (maliban na lang kung malakas ka talaga kumaen. Hohoho. :D) dahil sandamakmak ang hagvang matatagpuan dito. To be ecxact, mayroong “twenty-one stairs” ang aming school, samantalang mayroong dalawang building lang ang school namin(hahaha). Kakaiba diba? Nakakapagod umakyat panaog lalo na kapag nautusan ka pa na bumababa. (tsk tsk. hahaha). Ang mas masaklap pa ay pag inabutan ka ng bell habang umaakyat pa lang(nasa school ka na LATE ka pa! Hahaha). Gusto mong pumayat? (haha) try mong mag tatatakbo sa buong school tuwing end of classes dahil sa paghahabol sa mga teachers for the clearance. Haggard to the max! (hahaha) hindi kayo magkakakitaan, pagod ka na kakaakyat panaog hindi pa rin kayo nagkita. Magkakandadapa ka pa dahil sa dulas ng floor(hahaha). At eto pa, pupunta ka na nga lang sa canteen, may hagdan pa rin! Kakaiba diba? J

                Yan ang ipinagmamalaki ng aming paaralan(hahaha) nag-iisa sa buong Sta. Maria, Bulacan. J And I am and we are really really really proud to say and to be a LORENZIAN :DD. Hindi lang freakin’ bad ang maging student sa school na ito, it’s also definitly super duper cool. J Once a Lorenzian, always gonna be a Lorenzian. Forever and ever. J


             

1 comment:

  1. Playtech - Best online casino for free - KadangPintar
    If kadangpintar you prefer to play games online in the comfort of your home, it's worth a 1xbet visit. 바카라 사이트 We offer our top casino software developers and software.

    ReplyDelete